Ayon sa PAG-ASA, naabot na ni Pepito ang typhoon category dahil sa patuloy na paglakas nito. Huling namataan bandang alas dos ng hapon na nasa 630 km Silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na 130 km/hr at pagbugsong umaabot ng 160 km/hr.
Ito ay inaasahang kikilos pakanluran hilagang-kanluran at maaaring mag-landfall sa Catanduanes bukas, umaga ng Nobyembre 16, o madaling araw ng Linggo. Maging sa Camarines Sur, Albay ay hindi naaalis ang pangambang paglandfall nito sa parehong panahon.
Pinapaalalahanan naman ang mga nasa Timog-Silangang bahagi ng Quezon, Bicol at ilang parte ng Samar maging ang mga nagbabalak na magbibiyahe na ipagpaliban o magdobleng-ingat dahil sa posibleng storm surge na maaaring umabot ng hanggang tatlong metro, higit sa normal na antas ng tubig.
Patuloy pa rin ang pagbabantay ng PAG-ASA dahil sa bantang magiging super typhoon kung magpapatuloy pa ang paglakas nito sa susunod ng mga oras.
Samantala, humina naman si Ofel na naging ‘severe tropical storm’ na huling namataan 215 km Hilagang-Kanluran ng Calayan, Cagayan na may lakas ng hanging nasa signals number 1 at 2.
Photo Courtesy: Dost_Pagasa