Walang takas sa mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Acts of Lasciviousness matapos mahuli sa Barangay Cogon, Ormoc City nito lamang Nobyembre 12, 2024.
Kinilala ni Police Captain Flora Mae L Molina, Officer-In-Charge ng Ormoc City Police Station 1, ang suspek na si alyas “Chris”, 39 anyos, TESDA Trainer at residente ng Barangay Palanay, Caibiran, Biliran.
Naaresto ang suspek bandang 3:40 ng hapon ng mga tauhan ng Ormoc City Police Station 1 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness ng Revised Penal Code article 336 na may piyansa na Php36,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang matagumpay na operasyon ay resulta ng pakikipagtulungan ng mamamayan sa kapulisan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong nagkasala sa batas. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian