Binawi ang suporta at nagbalik-loob sa pamahalaan ang 14 na tagasuporta ng Communist Terrorist Group (CTG) sa pamunuan ng 2nd Nueva Ecija Provincial Mobile Force Company sa Barangay Bunol, Guimba, Nueva Ecija nito lamang ika-13 ng Nobyembre 2024.
Ang naturang pagbabalik-loob ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Warly C Bitog, Force Commander ng 2nd Nueva Ecija PMFC, kasama ang PIU-NEPPO, 303rd MC, RMFB3, NICA3, RIU3 at iba pang ahensya sa ilalim ng RTF-ELCAC.
Ayon sa ulat, ang mga sumuko ay mga miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) sa ilalim ng Alyansang Manggagawang Bukid ng Gitnang Luzon (AMGL).
Bilang pagtalikod sa mga komunistang teroristang grupo ay nanumpa at lumagda ang mga ito ng Oath of Allegiance to the Government na kung saan saksi ang pamunuan ng 2nd Nueva Ecija PMFC.
Kaya naman patuloy ang paghikayat ng mga awtoridad sa mga natitira pang kasapi at tagasuporta ng CPP-NPA-NDF na magbalik-loob sa ating pamahalaan at makiisa sa iisang layunin na labanan ang insurhensiya at terorismo para sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Marimar J Junio