Nagsagawa ng Command Visit si Police Lieutenant General Michael John F. Dubria, Acting Deputy Chief PNP for Operations sa Camp BGen Salipada K. Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte, noong ika-14 ng Nobyembre 2024.
Malugod na sinalubong si PLtGen Dubria ng mga opisyal at kawani ng Police Regional Office BAR (PRO BAR), sa pangunguna ni Police Brigadier General Romeo Juan Macapaz, Regional Director ng PRO BAR.
Ang mainit na pagtanggap ay sumasalamin sa taos-pusong suporta at respeto ng kapulisan ng rehiyon para sa kanilang pinuno, na kilala sa kanyang dedikasyon sa pagpapalakas ng mga programa at estratehiya ng PNP.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni PLtGen Dubria, ang mga mahahalagang hakbang na dapat paghandaan ng mga pulis sa nalalapit na National at Local Elections at sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections sa 2025.
Binigyang-diin ang pangangailangan ng bawat miyembro ng PRO BAR na manatiling matatag, disiplinado, at may buong dedikasyon sa tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas.
Ayon kay Dubria, isang mahalagang aspeto ng responsibilidad ng kapulisan ang pagtutok sa kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan ng komunidad, lalo na sa panahon ng eleksyon, upang masiguro ang isang tapat, payapa, at patas na proseso ng pagboto.
Ang PRO BAR ay patuloy na nagpursige sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad, habang tapat na nagsisilbi upang protektahan at paglingkuran ang komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya