Arestado ang Top 9 Davao City Most Wanted Person matapos ang isinagawang paghahain ng Warrant of Arrest ng mga awtoridad nito lamang ika-14 ng Nobyembre, 2024 sa Purok Waling-waling, Buhangin, Davao City.
Kinilala ni Police Major Dante A Baguio Jr., Acting Station Commander ng Buhangin Police Station, ang suspek na si alyas “Remon”, 30 anyos at residente ng Block 8, Bacahoa, Cabantian, Davao City.
Ang suspek ay naaresto sa pangunguna ng mga tauhan ng Buhangin Police Station katuwang ang CIDG-DSPFU at 2nd Davao CMFC at mahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness.
Layunin ng PRO 11 na hindi lamang sugpuin ang kriminalidad, kundi lumikha ng isang mas ligtas at mas maayos na kapaligiran na magsisilbing pundasyon para sa patuloy na pagsulong ng bansa.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino