Arestado ang Top 9 Most Wanted Person sa City Level sa kasong Statutory Rape sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga tauhan ng Iligan City Police Station 4, 1005th Regional Mobile Force Battalion 10 at Lanao Del Norte Maritime Police Station sa Barangay Tubod, Iligan City nito lamang ika-14 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Reinante B Delos Santos, City Director ng Iligan City Police Office, ang suspek na si alyas “Benj”, construction worker at residente ng nasabing lugar.
Naaresto ang suspek bandang 08:40 ng gabi sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng matagumpay na kampanya ng pulisya sa pagtugis sa mga taong nagkasala sa batas para sa maayos at mapayapang pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.