Eastern Samar (February 16, 2022) — Nagsagawa ng Mangrove Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Eastern Samar Police Provincial Office sa Minasangay Island Eco Park and Resort, Brgy. 1, Balangkayan, Eastern Samar noong February 16 taong kasalukuyan.
May kabuuang 250 puno ng bakawan ang itinanim ng mga kalahok sa nasabing lugar na pinangunahan nina PLtCol Rommel Cesista, Chief, PCADU at PCol Matthe Aseo, Provincial Director, sa direktang pangangasiwa ni PBGen Bernard Banac, Regional Director, PRO8.
Nakilahok din sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Balangkayan Municipal Police Station, 2nd ESPMFC, KKDAT Balangkayan Chapter at Municipal Environment and Natural Resources Office.
Ang aktibidad na ito ay bilang suporta sa adbokasiya ng pamahalaan na pangalagaan ang kapaligiran at likas na yaman ng bansa upang mabawasan ang hindi magandang epekto sa pagbabago ng klima at palakasin din ang pagsasagawa ng environmental sustainability para sa susunod na mga henerasyon.
###
Malaking tulong ang mga bakawan sa pagharang ng mga unos ng karagatan