Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Cabangan Municipal Police Station para sa mga mag-aaral ng Apo-apo Elementary School, Cabagan, Zambales nito lamang Miyerkules, ika-13 ng Nobyembre 2024.
Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Kathryn Joy G Miranda, Officer-In-Charge ng Cabangan MPS, katuwang ang Philippine Red Cross at Eaglewings Brotherhood of Guardians Inc.


Ang aktibidad ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kapulisan ng kaalaman tungkol sa Republic Act 8353 (Anti-Rape Law), RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children), RA 9165 (Anti-Illegal Drugs), NTF-ELCAC, at kampanya para sa Dengue Awareness.
Kasabay nito, namigay din ng libreng pagkain na labis na ikinatuwa ng mga mag-aaral.
Layunin nito na makapagbigay ng kamalayan sa mga mag-aaral tungkol sa mga batas at kaalaman kontra kriminalidad, maprotektahan ang kalusugan ng bawat indibidwal at masiguro ang kanilang kaligtasan.
Ang hakbanging ito ng Pambansang Pulisya ay patunay ng kanilang pagtupad sa sinumpaang tungkuling bantayan ang kapakanan ng bawat mamamayan at mapanatili ang magandang ugnayan sa komunidad tungo sa isang mas maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Pearl Crystalynne Javier