Umarangkada ang isinagawang Outreach Program ng kapulisan ng 2nd Iloilo Provincial Mobile Force Company at Advocacy Support Groups sa pagsisikap na palakasin ang pagtutulungan ng komunidad at isulong ang kalinisan at kalusugan na ginanap sa Barangay Tagubanhan, Ajuy, Iloilo nito lamang ika-10 ng Nobyembre, 2024.
Katuwang ng grupo ang miyembro ng Bantay Dagat, Advocacy Support Groups na UN-PI RAFIP at Ajuy KALIPI Women’s Association pati na rin ang mga Barangay Officials na pinamumunuan ni Punong Barangay Girlie Mayo Amante.
Kabilang sa mga serbisyong inihatid ang libreng gupit, Feeding Program, Free Check-up at naghandog ang 2nd IPMFC ng Livelihood Program tungkol sa Dishwashing Making upang matulungan ang mga residente ng Barangay Tagubanhan at Barangay Punta Buri na magkaroon ng pangkabuhayan at masigurado na maitutuloy nila ang pangkabuhayan program na ito.
Tampok din sa aktibidad ang Coastal Clean-up drive na inorganisa ng mga opisyales mula sa Sangguniang Kabataan (SK) upang mapanatiling malinis at protektado ang mga likas na yaman ng kanilang pamayanan.
Ang inisyatibang ito ng ating kapulisan at iba’t ibang sektor ng lipunan ay nagpapakita ng labis na malasakit sa mamamayan dahil hindi lamang mga pisikal na pangangailangan ang kanilang tinugunan, kundi pati na rin ang pangkalusugang aspeto.
Sa kabuan, naging matagumpay ang nasabing aktibidad, sa pamamagitan ng pinagsasama-samang suporta at aktibong pakikilahok sa mga programa na pinapatunayan ng mga kapulisan at Advocacy Support Groups ang kanilang malasakit at dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: PCADG WESTERN VISAYAS
Panulat ni Pat Lyneth Sablon