Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Frustrated Murder matapos mahuli sa Barangay Libertad, Gamay, Northern Samar nito lamang Nobyembre 11, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr., Force Commander ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Ever”, 29 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Cahangwayan, Lapinig, Northern Samar.
Bandang 11:07 ng tanghali nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, kasama ang Northern Samar Police Provincial Office- Provincial Intelligence Unit, 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, Gamay Municipal Police Station at 122nd Special Action Company, 12 Special Action Battalion, PNP-SAF sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Frustrated Murder na may piyansa na Php200,000.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang na epektibo ang pagpapatupad ng Pambansang Pulisya ng kanilang sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas payapa, ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian