Arestado sa magkahiwalay na operasyon ng Taguig at Pasay City Police Station ang dalawang indibidwal na sangkot sa ilegal na droga at nasabat ang malaking halaga ng shabu nito lamang Martes, Nobyembre 12, 2024.
Ayon kay Police Brigadier General Bernard Yang, District Director ng Southern Police District, tinatayang 2:20 ng madaling araw naganap ang buy-bust operation ang mga operatiba ng Taguig CPS Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay Calzada, Taguig City, na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Jhon (27).
Nakuha mula sa suspek ang 10 heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 14.50 gramo na may halagang SDP na nagkakahalaga ng Php98,600, dalawang genuine Php100 bill na ginamit bilang buy-bust money, Php1,000 boodle money, isang black weighing scale, puting pouch wallet at isang itim na coin purse.
Samantala, sa araw ding iyon, isa pang operasyon ang isinagawa ng Pasay CPS, Station Intelligence Section na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Bubuy (26) sa Zone 16, Pasay City.
Nakumpiska naman sa kanya ang 11 small sized heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 4.13 gramo na may Standard Drug Prize na Php28,084, isang black pouch at isang red lighter.
Inihahanda ang reklamo ng paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa mga naarestong suspek.
Puspusan naman ang SPD sa pagsagawa ng mga operasyon na magiging rason upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa ating komunidad.
Source: SPD PIO