Himas rehas ang isang regional top priority high value individual matapos makumpiska ng kapulisan ng Bohol mula sa suspek ang higit Php13.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok-7, Barangay Guiwanon, Tubigon, Bohol, noong ika-9 ng Nobyembre 2024.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Joemar S Pomarejos, Chief ng Provincial Drug Enforcement Unit, Bohol Police Provincial Office, bandang 7:54 ng umaga ng makalaboso ang suspek na si alyas “Melo”, 25 anyos na residente ng Purok 4 Barangay Pooc Oriental, Tubigon, Bohol.
Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong plastic sachets at sampung plastic packs ng hinihinalang shabu na may timbang na 2000 gramo at may Standard Drug Price na Php13,600,000, buy-bust money, at iba pang drug paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib-pwersa ng mga kapulisan ng PDEU, BPPO, Tubigon MPS, RID 7 at PDEA Bohol.
Patunay lamang na patuloy ang pagsuporta ng Bohol PNP sa kampanya ng pamahalaan na labanan ang paglaganap ng ipagbabawal na gamot dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!.
Source: BPPO SR