Tinatayang Php1,054,000 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang indibidwal ng Antipolo PNP sa Barangay Mayamot, Antipolo City, Rizal nito lamang ika-6 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Biboy”, 28 taong gulang, residente ng Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.
Naaresto ang suspek bandang 6:00 ng gabi sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Antipolo Component City Police Station at nakumpiska mula sa suspek ang isang pirasong coin purse na may lamang isang nakabuhol na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 155 gramo at nagkakahalaga ng Php1,054,000, isang unit ng cellphone at isang pirasong Php1,000 bill.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ng kapulisan kontra ilegal na droga ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa lipunan. Sa patuloy na pagsusumikap ng mga awtoridad, nababawasan ang krimen at nagiging mas ligtas ang ating komunidad. Ang kanilang dedikasyon at koordinasyon ay mahalaga upang makamit ang isang mapayapa at maunlad na bansa, malayo sa banta ng droga.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng