Dalawang Wanted Person ang naaresto sa sunod-sunod na Warrant of Arrest operation ng Sultan Kudarat PNP sa Purok 5, Poblacion, Tacurong City nito lamang ika-5 ng Nobyembre 2024.
Ayon kay Police Colonel Bernard L Lao, Acting Provincial Director ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, ikinasa ng mga tauhan ng Tantangan Municipal Police Station kasama ang Tacurong City Police Station, Sultan Kudarat Provincial Highway Patrol Team, CIDG 12, SCPIU at 1202nd RMFB 12.
Kinilala ang naaresto na si alyas “Basco”, 31 anyos, residente ng Pendatun Maguindanao at tinaguriang Top 9 Regional Most Wanted Person at may nakabinbin na kaso sa paglabag sa Republic Act 6539 o “Anti-Carnapping Act” at walang nirekomendang piyansa.
Samantala, bandang 12:15 naman naaresto si alyas “Omar”, 31 anyos, sa kasong paglabag sa RA 6539 o “Anti-Carnapping Act na walang nirerekomendang piyansa, sa Purok 5, Barangay Poblacion, Tacurong City, Sultan Kudarat.
Mas paiigtingin pa ng Sultan Kudarat PNP ang paghahanap sa mga taong may sala sa batas. Pinapayuhan naman ang mga mamamayan na maging maingat para maiwasang maging biktima ng nasabing krimen.