Mahigit Php55,626,371.88 halaga ng mga nakumpiskang mga ilegal na droga ang sinunog at sinira ng PDEA BARMM, katuwang ang mga personahe ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region BAR, Judiciary, LGU at CSO sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte noong ika-6 ng Nobyembre 2024.
Nabatid na ang mga ilegal na droga na sinunog ay may bigat na 8,172,724.7 gramo na nagkakahalagang Php55,626,371.88 at ito ang itinalang ikalawang pagkakataon ng pagsira ng mga ilegal na droga sa kasalukuyang taon, mahigit Php65 milyon halaga din ng mga ilegal na droga ang sinunog at sinira sa Sulu noong Abril 24, 2024 ng PDEA BARMM sa unang pagkakataon.
Ang volume ng mga ilegal na droga na sinunog ay isa sa pinakamalaking naitala ngayong taon, ito ay nagpapakita ng matibay na pangako at determinasyon ng pamahalaang Bangsamoro at PNP na protektahan ang buhay at maitaguyod ang mas maayos na hinaharap para sa mga mamamayan ng Bangsamoro.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui