Himas rehas ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Murder matapos mahuli ng mga awtoridad sa Poblacion 1, Silvino Lubos, Northern Samar nito lamang Nobyembre 04, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr., Officer-In-Charge ng Silvino Lubos Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ronel”, 50 anyos at residente ng Barangay Poblacion 1, Silvino Lubos, Northern Samar.
Bandang 10:30 ng umaga nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Silvino Lubos Municipal Police Station kasama ang 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang piyansa.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang na epektibo ang pagpapatupad ng Pambansang Pulisya sa kanilang sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas payapa, ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian