Nakiisa ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A sa isinagawang Medical at Dental Mission ng Police Regional Office 4A na ginanap sa NPTI Gymnasium Camp BGen Vicente P Lim, Calamba City, Laguna bandang alas-otso ng umaga nito lamang ika-5 ng Nobyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Regional Medical and Dental Unit 4A kaugnay ng PNP Serbisyong Pangkalusugan ngayong National Children’s Month Health Caravan na may temang “Kalusugan ng Bata, Tungkulin ng Lahat: Gabay Tungo sa Bagong Pilipinas’’.
Dumalo sa aktibidad si Mrs. Mary June T. Lucas, Adviser ng Officer’s Ladies Club bilang pangunahing pandangal at Our Lady of Fatima University College of Dentistry.
Mahigit kumulang isang daang estudyante mula sa Post Elementary School Calamba City, Laguna ang nakatanggap ng libreng Medical Consultation, Dental consultation, Medical Kit, School Supply at pagkain.
Nagkaroon din ng puppet shows ang Our Lady of Fatima University College of Dentistry na siyang kinagiliwan at nagbigay saya sa mga bata.
Layunin ng programa na iparamdam sa mga kabataan ang malasakit at itaguyod ang wastong pag-aalaga at pagpapanatili ng kalinisan sa katawan upang maiwasan ang sakit.
Panulat ni Patrolwoman Rica May Esteron