Nasabat ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station ang daan-daang kahon ng smuggled na sigarilyo sa Sitio Comalibongbong, Barangay Bato, Taytay, Palawan nito lamang ika-3 ng Nobyembre 2024.
Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Taytay MPS at Provincial Intelligence Unit Palawan ang suspek na isang lalaki, 33 taong gulang, at residente ng Calawag sa nasabing bayan.
Ayon sa PNP, isang concerned citizen ang nag-report tungkol sa isang closed van na nakaparada sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar na may lamang smuggled na sigarilyo.
Dakong alas-5:00 ng hapon ay agad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad, at natagpuan ang 173 kahon ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng Php2,508,500.
Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10643 o “The Graphic Health Warnings Law” at R.A. 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act”.
Source: Taytay MPS
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña