Arestado ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 8 Regional Most Wanted Person na may kasong Rape matapos mahuli sa Barangay Ipil, Ormoc, City nito lamang Nobyembre 04, 2024.
Kinilala ni Police Major Omar Roel B Cartalla, Station Commander ng Ormoc City Police Station 6, ang suspek na si alyas “Jojo”, 46 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Boroc, Ormoc City.
Bandang 3:23 ng madaling araw nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Ormoc City Police Station 6 kasama ang Ormoc City Intelligence Unit, City Intelligence Team Ormoc, Regional Intelligence Unit 8 at Ormoc City Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape na walang piyansa.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang mamamayan lalong-lalo na ang mga kabataan at kababaihan mula sa ganitong uri ng krimen upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa. Dahil sa Bagong Pilipinas ang gusto ng pulis ligtas ka!.
Panulay ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian