Boluntaryong isinuko ng isang lalaki ang kanyang loose firearm sa mga tauhan ng Pangutaran PNP sa Sitio Kutah, Barangay Panitikan, Pangutaran, Sulu nito lamang ika-4 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Louie N Duhaylungsod, Chief of Police ng Pangutaran Municipal Police Station, ang sumuko na si alyas “Mutsah”, residente ng naturang lugar.
Ayon kay PLt Duhaylungsod, nakatanggap ng isang tawag ang naturang istasyon tungkol sa boluntaryong pagsuko ng loose firearm ng isang lalaki ng isang Pistol Taurus PT92 cal.9mm.
Layunin na makalap at mahanap lahat ng loose firearms para maiwasan na magamit ito sa krimen at mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan sa bawat komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya