Boluntaryong nagbalik-loob ang isang dating rebelde at isinuko ang baril nito sa pamunuan ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) Headquarters sa Burgos Ave., Sangitan West, Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang Martes, ika-5 ng Nobyembre 2024.
Ang naturang pagbabalik-loob ay pinangunahan ni Police Colonel Ferdinand D. Germino, Acting Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office.
Kinilala ni PCol Germino, ang sumuko na si alias “Ding”, 62 anyos.
Samantala, kasabay ng pagbabalik-loob nito ay isinuko din ang isang Smith and Wesson caliber .38 revolver na walang serial number na may tatlong bala.
Hinihikayat ng 1st Nueva Ecija PMFC ang mga natitirang kasapi at tagasuporta ng CPP-NPA-NDF na magbalik-loob sa ating pamahalaan at makiisa sa isang layunin na labanan ang insurhensiya at terorismo sa ating bansa.
Source: Nueva Ecija PIO
Panulat ni Patrolwoman Marimar Junio