Arestado ang isang Top 2 Most Wanted Person sa Regional Level sa kasong Statutory Rape, Rape at Qualified Rape sa isinagawang joint law enforcement operation ng mga otoridad sa Purok 2 Barangay Tinindugan, Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte nito lamang ika-4 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Captain Dante Baunillo Tabotabo, Officer-In-Charge ng Sergio Osmeña Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Mel”, 37 anyos, (PWD with speech and hearing disabilities) lalaki at residente ng Barangay Tinindugan, Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte.
Ang suspek ay nahaharap sa patong-patong na kaso ng Statutory Rape, Rape at Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco