Nagsagawa ang mga tauhan ng Anao Municipal Police Station ng Drug Symposium sa mga Barangay Officials at Sangguniang Kabataan sa Poblacion, Anao, Tarlac City nito lamang Linggo, ika-3 ng Nobyembre 2024.
Ang naturang pagtuturo ay pinamunuan ni Police Captain Robert G Pablo, Officer-In-Charge ng Anao MPS.
Nagbigay ang kapulisan ng kaalaman sa opisyales ng barangay sa masamang epekto ng ilegal na droga sa kalusugan at ang mga kaukulang parusa para sa mga gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Pinaalalahanan din ang mga tungkulin at responsibilidad bilang tagapamayapa sa kanilang barangay.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga opisyales at maging katuwang ng mga awtoridad sa pagsugpo ng kriminalidad sa bawat komunidad.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa iba’t ibang organisasyon upang magkaisa sa pagpapalaganap ng kapayapaan at kaayusan sa bawat sulok ng bansa. Sa ganitong paraan, masisiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan at maisusulong ang inaasam na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Parolwoman Pearl Crystalynne Javier