Timbog ng mga operatiba ng ParaƱaque City Police Station ang tinaguriang Top 5 Station Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Marcelo Green bandang 3:00 ng hapon nito lamang Lunes, Nobyembre 4, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas āRyanā, 32 anyos, at isang call center agent.
Nadakip ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng ParaƱaque CPS, ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa Section 4 ng Republic Act 11930 o mas kilala bilang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act, Paglabag sa Seksyon 4(m) kaugnay ng Seksyon 10 (c) ng R.A. 11930 na may piyansa na Php200,000.
Ang Southern Metro Cops ay hindi titigil sa pagtugis sa mga indibidwal na may pananagutan sa batas upang hindi na makapangbiktima ng mga inosenteng tao at upang makamit ang isang ligtas na pamayanan.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos