Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest ang Top 4 Most Wanted Person sa Regional Level sa kasong Murder ng mga tauhan ng General Santos City PNP sa Purok Bayanihan, Barangay San Isidro, General Santos nito lamang Nobyembre 4, 2024.
Kinilala ni Police Major Ari Noel Cardos, Officer-In-Charge ng General Santos City Police Station 3, ang naarestong suspek na si alyas “Paring”, Leader ng Magdasal Criminal Group, 37 years old, single, minero at residente ng Purok Bayanihan, Barangay San Isidro, General Santos.
Nadakip ang suspek bandang 1:32 ng tanghali sa isinagawang joint manhunt operation ng General Santos City Police Station 3, CIU-GSCPO, CIDMU-GSCPO, RID 12 STTB, GSCPO-CMFC at 1201st MC RMFB 12 at RMFB 12 Intelligence Section sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Jovelyn J Dodoso