Boluntarong sumuko ang 18 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga otoridad sa Purok 10, South Poblacion, Maramag, Bukidnon nito lamang ika-1 ng Nobyembre, 2024.
Ayon kay Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, Acting Regional Director ng Police Regional Office 10, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng 48th Infantry Battalion (48IB) ng Armed Forces of the Philippines at Bukidnon 2nd Provincial Mobile Force Company.
Sa panahon ng kanilang pagsuko, ay itinurn-over ang tatlong rifles, isang .45 caliber pistol at mga subversive documents na naglalaman ng impormasyon na nag-uudyok sa pag-alsa.
Sasailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ang 18 NPA members para suportahan ang mga dating rebelde sa pagbabalik-loob sa pamahalaan na may kaakibat na tulong.
“I commend these individuals for their courage to surrender to the folds of the law. PRO 10, along with the AFP and other law enforcement agencies, assures that those who surrender will be treated with dignity and provided with the necessary support for their reintegration,” saad ni PBGen De Guzman.