Davao de Oro (February 15, 2022) – Nagbalik-loob sa gobyerno ang 91 dating miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTG) sa provincial government ng Davao de Oro kung saan pinangunahan ni PBGen Filmore Escobal, PRO 11 Regional Director, ang isinagawang Ceremonial Turnover of Surrenderees sa Covered Court, Nabunturan, Davao de Oro, noong Pebrero 15, 2022.
Kasama sa naturang aktibidad sina PBGen Neil Alinsangan, Director, PNP Intelligence Group, bilang panauhing pandangal at tagapagsalita; at si PCol Marcy Salting, Chief, Regional Intelligence Unit (RIU), Davao de Oro Police Provincial Office (DDOPPO). Gayundin sina Mr. Miles Atog, Supervising Labor and Employment, Davao de Oro; at BGen Oliver C Maquiling, 701st Bde Cmdr, 10ID, Philippine Army (PA).
Dito ay isinagawa ang symbolic signing ng Mass Withdrawal of Support to Communist Terrorist Group (CTG) at ang makabuluhang pagsunog sa mga watawat ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa pangunguna ng Presidente ng Nagkahiusang Mamumuo sa Suyapa Farm o NAMASUFA na si Mr. Vicente “Boy” Barrios.
Ayon kay Mr. “Boy”, sila ay tumiwalag sa samahan ng makakaliwang grupo dahil napagtanto nila na sila ay ginagamit lamang sa mga isinasagawang rally ng kilusan.
Dito ay nakatanggap ang bawat indibidwal ng mga food packs, cash assistance at PSA Birth Certificate mula sa gobyerno mula sa Region 11. Kasabay nito, sila ay nanumpa rin ng katapatan sa saligang batas at sa ating bansa.
Ang naganap na mass surrender ng dating miyembro ng CTG ay ilan lamang sa resulta ng masigasig na pagsisikap ng programang Revitalized-Pulis sa Barangay upang tuluyang wakasan ang insurhensiya sa bansa. Naging matagumpay ang nasabing aktibidad at nangako ang lokal na pamahalaan na tutulungan at gagabayan nila ang mga surrenderees tungo sa tamang landas at panibagong buhay.
####
Panulat ni Patrolman Alfred D Vergara RPCADU11
Sana all sumuko….at magbalik loob…sa gobyerno