Arestado ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station Warrant and Subpoena Section kasama ang Station Intelligence Section ang tinaguriang Top 6 District Most Wanted Person sa salang Carnapping nito lamang Biyernes, Nobyembre 1, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Rodel”, 32 taong gulang, kinilala bilang ika-6 na Most Wanted Person sa District Level para sa buwan ng Nobyembre 2024.
Inaresto ang suspek sa paglabag sa Republic Act 10883 o “New Anti-Carnapping Act of 2016” na may piyansang inirekomenda na nagkakahalaga ng Php300,000.
“Ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita ng aming hindi natitinag na pangako sa pagdakip sa mga pugante at pagtiyak sa kaligtasan ng aming mga komunidad. Pinupuri ko ang dedikasyon at pagtutulungan ng aming mga opisyal sa pagsasagawa ng operasyong ito. Ang kanilang kasipagan at ang propesyonalismo ay mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating Distrito,” saad ni PBGen Yang.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos