Tinatayang Php176,800 halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspek sa ikinasang buy-bust operation na itinuturing na High Value Individual (HVI) sa Along Dagohoy St., Barangay Poblacion A, Mlang, North Cotabato nito lamang Oktubre 31, 2024.
Kinilala ni Police Major Paulino B Asirit Jr., Chief, Regional Police Drug Enforcement Unit 12, ang suspek na si alyas “Ric-Ric”, 46 anyos, Habal-habal Driver at residente ng Lower Kiwayan, Midsayap, North Cotabato.
Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong pirasong large size heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 26 gramo na nagkakahalaga ng Php176,800.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Bilang pagsuporta sa programa ng ating Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr., sa pakikipaglaban sa problema ng ilegal na droga, ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang paghuli sa mga taong nagpapalaganap ng ipinagbabawal na gamot upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng ating komunidad tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Rhesalie Umalay