Nakumpiska ng mga tauhan ng Pasig City Police Station mula sa isang lalaking suspek ang isang unit ng baril, bala at pampasabog sa ikinasang search warrant operation sa Westbank Road, Barangay Rosario, Pasig City nito lamang Miyerkules, Oktubre 30, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Villamo Q Tuliao, Officer-In-Charge ng Eastern Police District, ang suspek na si alyas “Randy”.
Narekober sa loob ng tirahan ng suspek ang isang unit caliber 38 na baril na may tatlong bala at isang hand grenade.
Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at RA 9516 o “Illegal Possession of Explosives” ang suspek.
“Tinitiyak namin na ang suspek ay haharapin nang naaayon sa tuntunin ng batas. Hindi kami magbubulag-bulagan sa mga umaabuso at lumalabag sa batas para protektahan ang ating mga mamamayan at ang komunidad,” pahayag ni PCol Tuliao.
Source: EPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos