Arestado ang isang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Rape by Sexual Assault sa isinagawang joint law enforcement operation ng mga otoridad sa Barangay Poblacion, Kabasalan, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-29 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Captain Romualdo L Puig III, Officer-In-Charge ng Kabasalan Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Alen”, 41 anyos, lalaki, magsasaka at residente ng Purok 2 Barangay Timuay Danda, Kabasalan, Zamboanga Sibugay.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Rape by Sexual Assault in relation to Sec. 5 (b) ng Republic Act 7610 na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco