Handa na ang mahigit 2,000 miyembro ng Police Regional Office 12, na ide-deploy sa panahon ng Undas 2024 sa mga iba’t ibang sementeryo matapos ang Send-Off Ceremony sa Camp General Paulino T Santos, Barangay Tambler, General Santos City nito lamang ika-29 ng Oktubre 2024.
Pinangunahan ni Police Brigadier General James E Gulmatico, Officer-In-Charge ng PRO 12, Ang naturang send-off ceremony.
Maliban sa 2,000 Pulis ay mayroon pang augmented forces mula sa law enforcement agencies, force multipliers at advocacy support groups ang tulong-tulong sa pagbibigay ng seguridad sa mga sementeryo, terminals, malls at mga tourist destinations.
Binigyang diin ni PBGen Gulmatico ang mga mahahalagang papel ng PNP at iba pang security sectors para sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa paggunita ng Undas 2024.
Sisiguraduhin ng PRO 12 na paiigtingin ang seguridad upang maidaos ang pagdiriwang ng Undas na payapa at ligtas.