Tinatayang nasa Mahigit Php1.3 Milyong Halaga Ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng mga operatiba ng Benguet sa isinagawang magkahiwalay na marijuana eradication sa probinsya ng Benguet nito lamang ika-28 ng Oktubre 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang isinagawang operasyon dahil sa pagtutulungan ng PNP katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.
Nadiskubre ng mga operatiba sa pangunguna ng Kibungan Municipal Police Station ang dalawang plantasyon ng marijuana sa Kibungan, Benguet na may tinatayang kabuuang lawak na 700 square meters na may tanim na 3,500 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Price na Php700,000.
Samantala, sa Tacadang, Kibungan, Benguet ay nadiskubre din ng ibang grupo ng operatiba sa pangunguna ng 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company ang apat na plantasyon na may kabuuang lawak na 390 square meters na may tanim na 1,950 piraso ng marijuana plants na may Standard Drug Price na Php390,000.
Nadiskubre naman ng ibang grupo ng operatiba sa pangunguna ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company ang isang plantasyon ng marijuana sa Kayapa, Bakun, Benguet na may lawak na 150 square meters na may tanim na 1,200 piraso ng pinagbabawal na tanim na may Standard Drug Price na Php240,000.
Bagamat walang nahuling cultivator, binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nadiskubreng pinagbabawal na tanim.
Ang Benguet PNP ay patuloy na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon para sa mas maunlad at mas mapayapang Bagong Pilipinas.