Timbog ang isang Street Level Individual sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay 77, Fatima Village, Tacloban City nito lamang ika-28 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Major Juan Eliezer A Abellon, Chief of Police ng Tacloban City Police Office-City Drug Enforcement Unit, ang suspek na si alyas “Chris”, 30 anyos, pedicab driver at residente ng Barangay 77, Fatima Village, Tacloban City.
Bandang 10:20 ng gabi nang ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng Tacloban City Police Office-City Drug Enforcement Unit sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 8.
Narekober mula sa suspek ang limang (5) pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 5 gramo na nagkakahalaga ng Php34,000, isang genuine 500-peso bill na ginamit bilang buy-bust money at isang sling bag.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng maigting na kampanya laban sa ilegal na droga ng Tacloban City PNP katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa nasasakupan. Dahil sa Bagong Pilipinas ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian