Sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, naaresto ng Cavite PNP ang isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng mga Tauhan ng Cavite PNP sa Barangay Amaya 1, Tanza, Cavite noong Oktubre 28, 2024, bandang 11:20 ng gabi,
Kinilala ni Police Colonel Dwight E Alegre, Acting Provincial Director ng Cavite PPO, ang naarestong suspek na si alyas “Pards”, 47 anyos, residente ng Barangay Amaya 1 Tanza, Cavite, at nakalista bilang High Value individual.
Sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng PDEU Cavite PPO, PDEA Cavite at tauhan ng Tanza MPS ay matagumpay na naaresto ang suspek at nakumpiska ang limang (5) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na humigit kumulang 20 gramo na may Standard Drug Price na Php136,000 at kalibre .45 pistol na may isang extended magazine, na kargado ng limang bala, kasama ang marked buy-bust money.
“Ang makabuluhang accomplishment na ito ay bunga ng kolektibong pagsisikap ng Cavite PNP at ng komunidad. Pinaigting ng Cavite police ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang isang mapayapa at maayos na lalawigan at mapuksa ang banta ng droga,” pahayag ni PCol Dwight E Alegre.
Source: Cavite PNP-PIO
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales