Hindi na nakapalag pa at mahinahon na sumama sa mga awtoridad ang isang lalake nang respondehan dahil sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril sa Barangay Marangas, Bataraza, Palawan nito lamang ika-27 ng Oktubre 2024.
Nakuha mula sa suspek na kinilalang si alyas “Reniel” ang isang pistol na may serial number at magasin na may limang bala ng 9mm at dalawang bala ng Caliber 40.
Dahil sa walang naipakitang anumang legal na dokumento o lisensya, dinala ang suspek sa Bataraza Municipal Police Station at ito ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Position of Firearms and Ammunitions.
Ang operasyong ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng mga awtoridad na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad na kanilang nasasakupan.
Source: Palawan News
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña