Monday, November 25, 2024

Higit Php2.5M marijuana, narekober; 5 drug couriers, arestado

Lubuagan, Kalinga (February 14, 2022) – Narekober ang mahigit Php2.5 milyong marijuana at limang (5) drug couriers ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Sitio Dinakan, Dangoy, Lubuagan, Kalinga noong February 14, 2022.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib pwersa ng mga kapulisan ng Kalinga Police Provincial Office (PPO) sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Peter Tagtag Jr., Acting Provincial Director, sa pangunguna ng Lubuagan Municipal Police Station (MPS) kasama ang Regional Intelligence Unit (RIU) 14, Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) Cordillera, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga at Philippine Drug Enforcement Group-Special Operations Unit (PDEG-SOU).

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Adrian Aguilar, 18 taong gulang; Andrei Punsalan, 21 taong gulang; Randel Dela Cruz, 21 taong gulang; Alvin Medel, 24 taong gulang at Mark Joseph Vendiola, 23 taong gulang tubong Pampanga at National Capital Region.

Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek nang sila ay maharang sa checkpoint ng mga awtoridad sa naturang lugar kung saan nakita sa kanilang sinasakyan na puting public utility bus na may plakang 141208 at body number 1881 ang mga pinaghihinalaang marijuana.

Nakuha mula sa mga suspek ang mahigit kumulang 20,878 grams ng 17 bricks, walong (8) tubular ng pinaghihinalaang marijuana, dalawang (2) piraso ng sigarilyo na naglalaman ng pinaghihinalaang marijuana ashes at apat (4) na plastic sachet na naglalaman pa rin ng pinaghihinalaang marijuana na kung saan ayon sa Dangerous Drug Board (DDB), ito ay tinatayang nagkakahalaga ng Php2,505,360.

Ang pag-imbentaryo sa nasabing mga ebidensiya ay isinagawa mismo sa harapan ng mga suspek at sinaksihan naman ng isang kinatawan ng DOJ at Barangay Kagawad ng Dangoy, Lubuagan, Kalinga.

Ang mga naarestong suspek at mga narekober na ebidensiya ay dinala naman sa kustodiya ng Lubuagan Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Source: Kapulisan ng Kalinga

###

Panulat ni Police Corporal Melody Pineda, RPCADU COR

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles