Isinagawa ang Drug Awareness Reduction Education ng mga tauhan ng Tarlac City Police Station sa mga mag-aaral ng Bantog Elementary School sa Barangay Bantog, Tarlac City nito lamang Lunes, ika-28 ng Oktubre 2024.
Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Sean C Logronio, Chief of Police ng nasabing istasyon.
Tinalakay sa mga estudyante ang masamang epekto sa kanilang kalusugan at maling impluwensya ng ilegal na droga sa kanilang kinabukasan.
Ang katuparan ng ganitong aktibidad ay isang mahalagang konsepto na nagpapakita ng pagiging bukas ng Pambansang Pulisya sa pakikilahok at pakikipagtulungan sa mga mamamayan upang matugunan ang mga isyu at pangangailangan ng lipunan.
Panulat ni Pat Marimar Junio