Nakilahok ang mga tauhan ng Pudtol Municipal Police Station sa Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) Meeting kaugnay ng Bagyong Leon na ginanap sa LDRRM Office, Barangay Poblacion, Pudtol, Apayao nito lamang ika-28 ng Oktubre 2024.
Ang aktibidad ay nilahukan ng Pudtol Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Gemma A. Lumay-yung, Acting Chief of Police, kasama ang mga kinatawan mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM), Municipal Social Welfare and Development (MSWD), Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM), at Lokal na Pamahalaan ng Pudtol sa pangunguna ni Hon. Hector Reuel Pascua.
Layunin ng PDRA Meeting na pag-usapan ang mga hakbang at paghahanda upang mapaghandaan at mapagaan ang epekto ng paparating na bagyo sa komunidad.
Ang mga ahensya at opisyal na nakiisa ay nagbahagi ng mga plano at istratehiya upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at maiwasan ang mga posibleng pinsala na dulot ng bagyo.
Ang pagtutulungan ng mga ahensya at opisyal sa Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) Meeting ay nagpapakita ng tunay na malasakit para sa kaligtasan ng komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Jeslie Sabado