Matagumpay na narekober ng pinagsanib pwersa ng 2nd Mobile Force Platoon at 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company ang mga kagamitang pandigma na ibinaon sa mataas at masukal na bahagi ng Barangay Piña Este, Gattaran, Cagayan noong Oktubre 26, 2024.
Pinamunuan ni Police Major Jefferson D Mukay, Force Commander ng Cagayan PMFC ang operasyon, katuwang ang isang dating rebelde na kinilalang si alyas “Jumie”.
Nakarekober sa operasyon ang mga materyales na nakabalot sa itim na canvass kabilang ang isang (1) MK2 hand fragmentation grenade, pitong (7) M76B H.E. rifle grenades, dalawang (2) M76 rifle grenades, walong (8) CTG 5.56mm Ball cartridges, 18 CTG 7.62mm Ball cartridges, limang (5) CAP Blasting Commercial, dalawang (2) bote ng improvised explosive charge, isang 12 volts na Imarflex battery, isang (1) 9 volts na Eveready battery, 22 talampakan ng number 18 stranded wire, mga subersibong dokumento, isang (1) improvised/converted M14 rifle, isang (1) cal. 38 revolver, isang (1) 12-gauge shotgun upper receiver, isang (1) lower receiver para sa 12-gauge shotgun, isang (1) hand guard ng m16 baby Armalite, dalawang (2) magasin para sa cal. 7.62mm, isang (1) magasin para sa cal. 5.56mm, iba’t ibang bahagi ng mga armas, at isang (1) 1.5L na bote.
Ang matagumpay na operasyon ng PNP, kasama ang mga dating rebelde, ay mahalagang hakbang sa pagsugpo ng banta ng karahasan at pagpapalakas ng seguridad ng rehiyon ng Cagayan.
Ang mga narekober na materyales at armas ay mahalagang patunay ng aktibong pagsisikap ng mga awtoridad sa pagpigil ng ilegal na mga aktibidad na maaaring magdulot ng panganib sa publiko.
Patuloy na hinihimok ang kooperasyon ng komunidad na makipagtulungan ang PNP sa pagbabantay laban sa mga kahina-hinalang gawain at sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa rehiyon.
Source:2nd CPMFC