Walang kawala ang isang lalaking City Most Wanted matapos maaresto ng mga awtoridad dahil sa ilegal na baril at droga sa Purok Sharif Mocsin, Barangay Baluan, General Santos City nito lamang Oktubre 27, 2024.
Kinilala ni Police Major Ivan Charles F Abastillas, Station Commander ng General Santos City Police Station 6, ang suspek na si alyas “Waray” na tinaguriang City Most Wanted Person.
Ayon kay PMaj Abastillas, dinakip ang suspek dahil sa nakabinbin nitong Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at narekober ang isang yunit ng home-made handgun na may bala sa chamber nito, limang bala ng calibre 5.56, at isang kutsilyo.
Ang isinasagawang operasyon ng PNP ay bunga ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad sa tulong at suporta na ng mga mamamayan para mapanatiling maayos, ligtas, at payapa ang komunidad.
Panulat ni Pat Flora Mae Asarez-RPCADU 12