Sunday, October 27, 2024

CPP-NPA Leader, arestado sa 2 Counts Kidnapping with Murder ng NCRPO at AFP

Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest ang isang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) Leader dahil sa 2 Counts Kidnapping with Murder sa pinagsanib pwersa ng mga otoridad sa Fairview, Quezon nito lamang Huwebes, Oktubre 24, 2024 sa Blk. 3 Lot 4 Hillman St., Fairview Park Subdivision, Fairview, Quezon City.

Ayon kay Police Major General Sidney S Hernia, Acting Regional Director ng National Capital Region Police Office, nagsanib puwersa ang mga elemento mula sa NCRPO, Armed Forces of the Philippines, Philippine Army, Joint Task Force-NCR, at Criminal Investigation and Detection Group-NCR na nagresulta sa pagkakadakip ng isang 68 anyos, na tinaguriang lider ng Communist Party of the Philippines.

Dinakip din ng mga awtoridad ang isang 35 taong gulang na binata, dahil sa pagbibigay ng maling pagkakakilanlan sa suspek at obstruction of justice.

Nabatid na maraming alyas ang naturang Lider at tinuturing na suspek sa pagkidnap at pagpatay sa dalawang biktima noong 2007 sa Barangay Cagsiay, Quezon.

Ang naturang Lider ay Kalihim ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) na kumikilos sa Rehiyon 4A at 4B. Miyembro rin ito ng Political Bureau (Politburo) ng Communist Party of the Philippines.

“Pinapalakas namin ang aming mga pagsisikap laban sa mga kriminal na aktibidad sa rehiyon. Ang aming mga kamakailang operasyon ay sumasalamin sa aming hindi natitinag na pagpapasya na itaguyod ang batas at tiyakin ang pananagutan. Hinihikayat namin ang publiko na manatiling mapagbantay at mag-ulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad nang sama-sama, maaari nating pasiglahin ang isang mas ligtas na komunidad para sa lahat,” pahayag ni PMGen Hernia.

Source: PIO NCRPO

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,290SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles