Sunday, October 27, 2024

3 Chinese Nationals, arestado sa patong-patong na kaso; shabu at marijuana, nakulimbat ng SPD

Nakulimbat ng mga operatiba ng Southern Police District ang malaking halaga ng shabu at marijuana mula sa tatlong Chinese Nationals na nahaharap sa patong-patong na kaso nito lamang Huwebes, Oktubre 24, 2024 sa Barangay Tambo, Parañaque City.

Kinilala ni Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas Zhenhua (30), alyas Zhi (29), at alyas Miu (26).

Inaresto ang tatlong suspek dahil sa kahina-hinalang aktibidad habang pinapalitan ng mga suspek ang plaka ng mga sasakyan.

Nang hilingan na magpakita ng mga dokumento para sa nasabing mga sasakyan, nabigo ang mga suspek na magpakita at nagtangkang tumakas na humantong sa isang maikling habulan ngunit na-korner ng mga awtoridad.

Narekober kay alyas “Zhenhua” ang dalawang transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na naglalaman ng humigit-kumulang 25 gramo na tinatayang nasa Php197,000 at isang Bersa caliber .380 pistol na may magasin na naglalaman ng limang bala.

Samantala, narekober kay alyas “Zhi” ang tatlong transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na naglalaman ng humigit-kumulang 25 gramo na tinatayang nasa Php197,000.

Narekober naman mula kay alyas “Miu” ang isang Taurus 9mm pistol na may magasin na puno ng sampung bala at isang bloke ng tuyong dahon na hinihinalang marijuana na tinatayang nasa isang kilo at may street value na Php120,000.

Mahaharap sa mga reklamo para sa paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code, gayundin sa Sections 11 at 12 ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act), RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at RA 4136 (Land Transportation and Traffic Code) ang mga suspek.

Mas pinaigting pa ng Southern Metro Cops ang pagpapatrolya 24 oras sa mga lansangan upang marespondehan kaagad ang mga insidente at mapanatili ang kaligtasan ng bawat indibidwal sa ating lipunan.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,290SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles