Arestado ang isang Wanted Person sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 sa Sitio Kabaturan, Barangay Miculabo, Picong, Lanao Del Sur nito lamang ika-25 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Robert S Daculan, Provincial Director ng Lanao del Sur Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Alba”, residente ng naturang lugar.
Ayon kay PCol Daculan, naging matagumpay ang ikinasang law enforcement operation ng mga tauhan ng Picong Municipal Police Station at naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya