Arestado ang Most Wanted Person sa Municipal Level sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Cateel Municipal Police Station sa Sitio Hulid, Barangay Aragon Cateel, Davao Oriental nito lamang Oktubre 24, 2024.
Kinilala ni Police Captain Marvin L Parreño Jr., Officer-In-Charge ng Cateel Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Lorenzo”, 67 anyos, isang magsasaka na residente sa Sitio Tuburan, Barangay Aragon, Cateel, Davao Oriental.
Ayon pa kay PCpt Parreño, nahuli ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng pinagsamang pwersa ng mga tauhan ng Cateel Municipal Police Station, Davao Oriental Maritime Police Station, 1st Davao Oriental Provincial Mobile Force Company at 1103rd Coy RMFB 11.
Mahaharap sa kasong Rape ang suspek na walang inirekomendang pyansa.
Samantala, patuloy naman ang pasasagawa ng Manhunt Charlie Operation ng mga tauhan ng Police Regional Office 11 upang hulihin ang lahat ng wanted persons sa rehiyon onse.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino