Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Ga-as, Baybay City, Leyte nito lamang ika-23 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maximo M Beleo, Force Commander ng 1st Leyte Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Ka Bambam”, 49 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Mataloto, Leyte, Leyte at miyembro ng Buhawi Platoon.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pagsisikap at panawagan ng mga tauhan ng 1st Leyte Provincial Mobile Force Company kasama ang Leyte Police Provincial Office – Provincial Intelligence Unit, Baybay City Police Station, 121 Special Action Company, 12 Special Action Battalion, PNP-SAF at City Intelligence Team Ormoc.
Isinuko rin ng nasabing surrenderee ang isang yunit caliber .38 revolver at apat na bala.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at bigas mula sa mga kapulisan.
Ang dating miyembro ng CTG ay nasa kustodiya na ng 1st Leyte PMFC para sa facilitation ng kanyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Ang pagbabalik-loob ng nasabing surrenderee ay representasyon na ang mga programa ng ating gobyerno sa pagwawakas ng insurhensiya at terorismo ay matagumpay na naipapatupad tungo sa pagkamit ng payapa at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian