Naghahanda na ng relief goods ang Police Community Affairs and Development Group sa pamumuno ni Police Brigadier General Restituto B Arcangel, Director, para sa mga biktima ng nanalasang bagyong Kristine sa Bicol Region nito lamang Biyernes, ika-25 ng Oktubre 2024 sa PNP Food Bank, Child Development Center, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City.
Pinangunahan ito ni Police Lieutenant Colonel Luis E Guisic, Officer-In-Charge ng Community Assistance and Development Division ng PCADG ang paghahanda at pagrerepack ng mga relief goods.
Ang naturang food packs ay naglalaman ng pangunahing pagkain at pangangailangan tulad ng bigas, instant coffee, canned goods, at powdered milk.
Kasama ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas na handang maglingkod nang walang kapaguran at pagdadalawang-isip upang mabigyan ng sapat na tulong ang bawat biktima ng trahedya at pag-ugnayin ang bawat Pilipino tungo sa isang mapayapa at maunlad na Bagong Pilipinas.