Dahil sa walang tigil na ulan sa pananalasa ng Bagyong Kristine, nagsanib pwersa ang Bacoor PNP, Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO), Philippine Coast Guard (PCG), mga opisyal ng barangay, at mga rescue volunteers upang maglunsad ng search and rescue operation.
Ang hakbang na ito ay naglalayong sagipin ang mga residenteng na-stranded bunsod ng malawakang pagbaha na idinulot ng patuloy na malakas na pag-ulan.
Sa pamumuno ni PLtCol John Paolo V Carracedo, Chief of Police ng Bacoor CCPS, tiniyak ang agarang paglilikas ng mga apektadong residente upang maiwasan ang anumang posibleng pinsala.
Ang mga nilikas na indibidwal at residente ay kasalukuyang dinala sa mga evacuation center para sa kanilang kaligtasan.