Nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Makati City Police Station ang tinatayang Php850,000 halaga ng shabu na humantong sa pagkakaaresto sa dalawang High Value Individuals (HVIs) nito lamang Lunes, Oktubre 21, 2024 dakong 1:20 ng madaling araw sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City.
Kinilala ni Police Colonel Joseph G Taletnto, Chief of Police ng Makati City Police Station, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Toy”, 26 at alyas “Jhian”, 22.
Sa operasyon sa pangunguna ng SPD Drug Enforcement Unit, DID, DMFB, Makati City Police Station Drug Enforcement Unit, Makati City Police Sub-Station 3, at PDEA-SDO na nagresulta sa pagkasamsam ng mga awtoridad ng humigit-kumulang 125 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na Php850,000 at isang M4 long firearm.
Mahaharap si alyas “Toy” sa reklamo dahil sa paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at sa paglabag sa Republic Act 10591, ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act habang si alyas “Jhian”, ay mahaharap sa reklamo dahil sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165.
Tiniyak ng PNP na sugpuin ang ilegal na aktibidad at panagutin sa batas ang lahat ng nagkasala para sa isang maunlad na bansa.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos