Balbalan, Kalinga (February 14, 2022) – Ipinagdiwang ng mga kapulisan ng Kalinga ang Araw ng mga Puso sa pamamagitan ng programang “Kapwa Ko, Sagot Ko” sa Sitio Picoc, Balbalan Proper, Balbalan, Kalinga noong Pebrero 14, 2022.
Ang programa ay ipinagdiwang sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Jeffrey Vicente, Acting Force Commander ng 2nd Kalinga Police Mobile Force Company (KPMFC).
Binisita ng mga kapulisan ang 56-anyos na si Ginoong Julian B. Basangal, dating opisyal ng barangay na naparalisa dahil sa isang aksidente noong taong 2020. Binigyan siya ng isang (1) sako ng sampung (10) kilong bigas, sari-saring pagkain at isang (1) bag ng adult diaper para matugunan ang kanyang mga personal na pangangailangan at maibsan ang pasanin ng pamilya.
Ang hakbang na ito ng naturang yunit ay naglalayong suportahan ang nasabing pamilya sa kadahilanang si Ginoong Julian ay hindi na muling makakabalik sa kanyang trabaho gawa ng kanyang kondisyon.
Nagpapakita ito na ang kapulisan ay laging handang tumulong sa ating mga kababayan lalo na sa mga nangangailangan.
Araw-araw, mayroon tayong iba’t ibang paraan upang ipakita ang ating pagmamahal sa ating kapwa. Ang paggawa ng isang bagay na mabuti para sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya o kahit ibang tao ay naghahatid ng ngiti sa mga labi at saya sa puso ng bawat isa.
Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=681069622909868&id=100030205087236
###
Panulat ni Patrolwoman Febelyne Codiam, RPCADU COR
Pagmamalasakit sa mamamayan laging maaasahan ang mga kapulisan